Janet Lim Napoles at apat pa nitong kasama, hinatulang guilty kaugnay ng “pork barrel” scam

Hinatulang guilty ng Sandiganbayan si Janet Lim Napoles, dating Cagayan de Oro Representative, Constantino Jaraula at tatlong iba pa, dahil sa multiple counts of graft at malversation kaugnay ng “pork barrel” scam.

Sa 103-pahinang desisyon, sinabi ng anti-graft court ruled na nagkasala sina Napoles, Jaraula at tatlong iba, kaugnay sa tatlong counts ng graft at tatlong counts of malversation dahil sa pagbubulsa sa tinatayang P19.2 milyon na pondo ng kongresista sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) na kilala rin sa tawag na pork barrel.

Nakasaad din sa desisyon na ginamit ng mga akusado ang state-run Technology Resource Center (TRC) at ang Countrywide Agri and Rural Economic Development (CARED) Foundation ni Napoles para makuha ang pondo.


Pagkakakulong ng anim hanggang 10 taon sa bawat bilang ng kanilang mga kaso ang inihatol kina; Napoles, Jaraula, at TRC officials na sina Rosalinda Lacsamana, Belinda Concepcion at CARED officer Mylene Encarnacion.

Bukod pa rito, ang parusang kulong ng 12 hanggang 18 taon sa bawat kaso ng malversation o pagwawaldas ng pondo.

Inatasan din ng korte sina Napoles, Jaraula at tatlo pang akusado na ibalik sa gobyerno ang nasa P56 milyon halaga.

Kasalukuyan nang nakakulong si Napoles sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, na nauna nang hinatulang guilty sa hiwalay na kasong plunder noong December 2018 kaugnay rin sa P10-billion pork barrel scam.

Wala namang pahayag si Jaraula at ibang akusado sa desisyon ng Sandiganbayan.

Facebook Comments