Manila, Philippines – Iginiit ni Bayan Muna Rep. CarlosIsagani-Zarate na hindi uubrang state witness sa paglilitis ng pork barrelcases si Janet Lim-Napoles.
Ayon kay Zarate, ang pananagutan ni napoles sa porkbarrel cases ay kasing bigat ng mgakapwa niya akusado sa krimeng ito kaya hindi siya maituturing na least guilty.
Kapag ipinilit na gawing state-witness si Napoles, hindianiya ito matatanggap ng publiko dahil nais ng taumbayan na panagutin ito sapakikipagsabwatan sa mga pulitiko sa pandarambong sa bayan.
Hindi rin kailangang maging statewitness si Napoles paramagtagumpay ang prosecution sa paglilitis sa mga akusado sa pork barrel caseskundi kailangan lamang na basahin at pag-aralang mabuti ang mga dokumento.
Matapos na maabswelto sa kasong serious illegal detentionsi Napoles ay lumutang ang ideya na tatayong statewitness ito sa kaso ng PDAF scam.
Janet Lim-Napoles, hindi pwedeng gawing state witness laban sa pork barrel cases
Facebook Comments