Janine Gutierrez, kinilala bilang rising star sa New York Asian Film Festival

Nasungkit ng aktres na si Janine Gutierrez ang Rising Star Award sa katatapos lamang na
New York Asian Film Festival (NYAFF).

Ito ay dahil sa kaniyang magandang pagganap sa pelikulang ‘Dito at Doon’ kasama ang award-winning actor na si JC Santos kung saan isinabuhay niya ang karakter ng isang kolehiyalang na-inlove sa working student.

Sa Twitter ni Janine, lubos ang pasasalamat ng aktres sa nasabing award giving body pati na rin ang pagsuporta nito sa iba pang pelikulang Pilipino.


Nabatid din na ito na ang ikalawang pagkakataon na naging parte ng film festival ang kaniyang pelikula dahil nagsilbing opening film ang kaniyang pelikulang Babae at Baril noong nakaraang taon.

Bagama’t masaya ay bahagyang nanghihinayang si Janine dahil ito na rin ang ikalawang pagkakataon na hindi siya nakadalo ng awarding ceremony dahil sa pandemya.

Facebook Comments