Janine Gutierrez, ‘Kylie Jenner’ ng Pilipinas!

Kylie Jenner raw ng Pilipinas ang aktres na si Janine Gutierrez para sa ilang fans.


Ito’y matapos lumabas si Janine sa cover ng isang fashion magazine ngayong buwan.
Suot ang bright yellow two-piece sa beach, ipinakita ng pinay actress ang kanyang seksing katawan.
Sa kanyang instagram account ay inulan siya ng papuri mula sa mga fans at ilang kapwa artista na nagsabing malaki raw ang pagkakahawig ni Janine sa american model na si Kylie Jenner.
Samantala, napili rin si Janine bilang Youth Ambassador ng World Wide Fund para sa Earth Hour na gaganapin sa March 24 ngayong taon.


Facebook Comments