Ito ay matapos ang reklamo ng mga mangingisda na puro janitor fish na lamang ang kanilang mga nahuhuli sa halip na mga tilapia at iba pang mga isda.
Sa pahayag ni BFAR Region 02 director Dr. Angel Encarnacion pinag-aaralan na umano nila ngayon na gawin na lamang trash fish o pakain sa mga alimango ang mga nahuhuling janitor fish dahil lumalabas sa kanilang pag-aaral na hindi ganoon kataas ang heavy metals content ng mga ito.
Dagdag ni RD Encarnacion, walang trash fish sa region 02, kung kaya’t maganda itong maging alternatibong pakain sa mga mud crabs na inaalagaan ng mga fisherfolk sa bayan ng Buguey.
Sakali mang ikonsidera itong gawing pakain sa mga alimango, iminungkahi ng director na lutuin muna ang janitor fish upang sakali mang may mga itlog ito na makakain ng mga alimango, ay hindi ito mag-a-adopt sa tirahan ng mga ito na posibleng maging ugat na naman ng pagkasira ng mga tubig-tabang na tirahan ng mga mud crabs.