Japan at Indonesia, niyanig ng malakas na lindol

Tatlong magkakahiwalay na lindol ang naitala sa Asya ngayong araw.

Una nang niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang Eastern Japan.

Ayon sa Japan Meteorological Agency, naitala ang epicenter ng lindol sa Chiba Prefecture na malapit sa Tokyo, Japan.


Niyanig naman ng magnitude 6.1 ang probinsya ng Papua, sa Indonesia kung saan naitala sa 240 kilometers west ng Aberpura ang sentro nito.

Sinundan naman ito ng magnitude 7.5 sa karagatang sakop ng Indonesia.

Gayunman, wala namang naitalang nasaktan sa mga pagyanig at wala ring inilabas na banta ng tsunami sa nasabing mga lugar.

Facebook Comments