Japan government, suportado ang malalaking kompanya ng gobyerno

Nangako ang gobyerno ng Japan na tuloy lang ang pagsuporta sa Pilipinas sa pamamagitan ng infrastructure developments.

Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang commitment na ito ay mula mismo kay Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa sa isang courtesy call meeting kamakailan.

Ayon kay Diokno, kabilang sa malalaking proyektong susuportahan ng Japan ay ang pag-develop sa Subic Bay o Subic Bay masterplan, ang smart city initiatives sa New Clark City, gayundin sa Mindanao, at iba pang sectoral cooperation sa kalusugan, enerhiya, agrikultura at information and communications technology.


Ang Japan ang pinakamalaking provider ng Pilipinas sa Official Development Assistance (ODA), kung saan nakapaloob ang mga pautang at grants na nagkakahalaga ng tinatayang 10.2-B dolyar o 21.8 percent ng kabuuang ODA portfolio ng bansa, hanggang nitong nagdaang Disyembre ng 2021.

Sa nakalipas na Duterte administration ay nakapag-ambag ang Japan ng 1.38 trilyong Japanese Yen, mas mataas sa isang trilyong Japanese Yen na ipinagkaloob ni dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe noong 2017.

Ayon naman kay Ambassador Koshikawa na natutuwa silang ipinagpapatuloy ngayon ng Marco administration ang Build-Build-Build Program.

Facebook Comments