Senado, nagsagawa na ng unang “hybrid meeting”

61

Nagsagawa ng “hybrid meeting” ang Committee on Rules sa unang pagkakataon.

Pinangunahan ni Senate Majority Leader Joel Villanueva, Chairman ng komite, ang nasabing pulong.

Sa pulong, napagpasyahan na maging Deputy Majority Leader sina Senador JV Ejercito at Senador Mark Villar.


Ang mga senador ay magiging miyembro ng lahat ng permanent committees sa Senado.

Tinalakay rin sa pulong ang panukala na lumikha ng Committee on Arts and Culture at Committee on Migrant Workers gayundin ang pagpapalawak naman sa Committee on Cultural Communities kung saan isasama na rito ang Muslim Affairs.

Ang mga napagkasunduan sa pulong ay ilalatag naman sa plenaryo para pagbotohan.



Facebook Comments