Japan, magbibigay ng 1M AstraZeneca vaccine sa Pilipinas

Magbibigay ang Japan ng isang milyong dose ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa Pilipinas.

Maliban sa Pilipinas, mabibiyayaan din ng isang milyong bakuna ang Indonesia, Malaysia at Thailand.

Bibigyan din ng Japan ng tig-daawang milyong doses ng AstraZeneca ang Taiwan at Vietnam.


Ang pagbibigay ng Japan ng mga bakuna ay bahagi ng scheme ng COVAX Facility na hinihikayat ang mga mayayamang bansa na tumulong sa iba para mapunan ang 200 million dose shortfall.

Facebook Comments