Japan, nangangailangan ng libo-libong caregivers

Sa kabila ng umiiral na travel ban sa mga foreign nationals, nangangailangan ang bansang Japan ng mga Pilipino caregivers.

Ayon kay Cesar Averia, President at CEO ng EDI-Staffbuilders International, tuloy pa rin ang deployment nila ng 300 caregiver sa Abril at 500 sa Disyembre.

Kabilang sa qualifications para sa caregiver sa Japan:


– Graduate ng nursing/physical therapy/occupational therapy
– Undergraduate pero may TESDA NCII certificate
– Mayroong 6 months job experience

Paliwanag ni Averia, ang unang dalawang buwan ng aplikante ay magiging online muna at saka ito sasakalang sa aktwal at technical training.

Kailangan ding maipasa nito ang dalawang examination at matuto ng salitang Hapon.

Tiniyak naman ni Averia na walang gagastusin ang aplikante dahil sagot ito lahat ng employer at pagnakapasa, mahigit P60,000 kada buwan ang magiging sahod nito.

Kadalasan ay sagot din ng employer ang accommodation, food at transportation expenses ng caregiver sa Japan.

Facebook Comments