Japan Prime Minister Shinzo Abe, mataas ang respeto kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Mataas na restpeto ang ibinigay ni Japan Prime Minister Shinzo Abe kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagharap nito sap ag-atake ng mga terorista sa Marawi City.
Sinabi ni ni PM Abe na bilib siya sa mga ginawang hakbang ni Pangulong Duterte para lutasin ang problemang dulot ng Maute-ISIS terror group na nagdulot ng giyera na tumagal ng halos 5 buwan.
Dahil aniya sa mga hakbang ni Pangulong Duterte ay ipinakita nito ang paninindigan na labanan ang terorismo na kalaban ng buong mundo at ang pagnanais nitong maibangong muli ang Marawi City.
Kaya naman tiniyak ni Abe na susuportahan nito ang lahat ng pagsisikap ng Administrasyon para maibalik sa normal ang buhay ng mga Maranao at maging ang pagtatatag ng Autonomous Government sa Mindanao.
Samantala mamaya naman ay uuwi na si Pangulong Duterte dito sa Pilipinas matapos ang tatlong araw na official visit sa Japan at inaasahan itong darating sa Davao International Airport mamayang 9:00 gabi.

Facebook Comments