Financier ng Abu Sayyaf group, arestado!

Manila, Philippines – Naaresto ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group, National Capital Region Police Office ang nagsisilbing financier ng Abu Sayyaf Group.

Kinilala ni CIDG NCR Chief Wilson Asueta ang naarestong suspek na si Abulpatta Abubakar na may mga kasong kidnapping and serious illegal detention at sangkot sa nangyaring Sipadan Kidnapping Case noong April 23, 2000.

Una nang naaresto ang suspek ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport nang dumating ito mula sa Jeddah Saudi Arabia nitong nakalipas na buwan pero pinalaya dahil wala pang sapat na ebidensya ang mga awtoridad para -iugnay ito sa Sipadan kidnapping killing case kung saan 10 mga banyaga mula sa europe at middle east at 11 malaysain resort workers ang dinukot ng Abu Sayyaf Group.


Sa ngayon nasa kustodiya na ng CIDG NCR ang suspek habang inaayos na ang mga dokumento para sa kinakaharap nitong kaso.

Facebook Comments