World – Hinikayat ni Japanese Foreign Minister Taro Kono ang mga bansa na putulin na ang mga diplomatic tie nila sa North Korea.
Sa kanyang pahayag sa Columbia University, sinabi ni Kono na ito ay bahagi ng mga hakbang para itigil na ng North Korea ang mga nuclear at missile test nito.
Nasa isang daan at animnapung (160) bansa ang may diplomatic relation sa rehimen ni Kim Jong-Un.
Sa kasalukuyan, ang China ay nananantiling kaalyado ng North Korea pagdating sa ekonomiya.
Facebook Comments