PCO Sec. Martin Andanar, idinepensa si Asec. Mocha Uson

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar si Assistant Secretary Mocha Uson.

Kasunod na rin ito ng mga kasong isinampa ni Sen. Antonio Trillanes laban kay Uson dahil sa pagpopost nito ng mga umano’y foreign bank account ng Senador na kinalaunan ay inamin naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawa-gawa lamang.

Ayon kay Andanar, epektibong nagagawa ni Mocha ang kanyang trabaho lalo na pagdating sa social media.


Handa rin aniya si Uson na sagutin ang mga kasong isinampa ni Trillanes.

Nasa New York City sa Amerika ngayon si Uson bilang bahagi ng opisyal na delegasyon ng bansa sa United Nations general assembly.

Facebook Comments