Japanese companies, magpapasok ng negosyo sa bansa?

Manila, Philippines – Lumagda ang 18 companies ng kanilang business letter in intent sa kanilang pakikipagpulong kina pangulong Rodrigo Duterte at sa kanyang official delegation na ngayon ay nasa Japan.

Ilan lamang sa mga kumpanyang nagpahayag ng kanilang interes na maglagak o palawigin pa ang kanilang negosyo sa pilipinas ay ang Marubeni Corporation, sumitomo metal mining company, Tsuneishi Shipbuilding Company, at Japan Gas.

Ilan lang ito sa mga kumpanyang inaasahang papasok sa pilipinas na inaasahang magpapalago pa ng ekonomiya ng bansa.


Samantala mayroon nang pondo ang pamahalan para sa pagtatayo ng Subway system mula sa NAIA hanggang sa Quezon City.

Nagpledge na kasi kay Pangulong Duterte si Japanese Prime Minister Shinzo Abe ng 113, 929 billion yen.

Ang Metro Manila subway project ay babayaran ng Pilipinas ng 28 taon matapos ang grace period na 12 taon.

Facebook Comments