Japanese government, nagpadala na rin ng tulong sa mga biktima ng Bagyong Odette

Dumating na rin ang tulong na padala ng Japanese Government sa mga biktima ng Bagyong Odette.

Ito ay sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na siyang nagdala ng emergency assistance packs.

Kabilang sa mga donasyon ng Japan ay generators, mga higaan, dome tents, jerry cans, at plastic sheets na nagmula sa JICA storage sa Singapore.


Na-i-turn over na rin sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang naturang mga donasyon.

Una na ring nagpaabot ng tulong sa typhoon Odette victims ang Pamahalaan ng South Korea.

Facebook Comments