Japanese national na lider ng Yakuza syndicate, naaresto ng immigration authorities

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na mataas na lider ng Yakuza syndicate sa Japan ang kanilang naaresto sa Roxas Boulevard, Lungsod ng Maynila.

Ayon sa BI, si Toyama Yuji ay executive member ng Komura Kai Sagamihara Branch na konektado sa Kyokuto Kai Wing ng Yakuza syndicate.

Si Toyama ay sinasabing sangkot sa kasong pagpatay sa kanilang bansa at itinuturing itong mapanganib sa Japan.


Mismong ang Japanese authorities ang nagtimbre sa immigration hinggil sa kaso nito sa kanilang bansa.

Ang nasabing Hapones ay nakadetine na sa BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig CIty at siya ay nakatakdang ipa-deport.

Facebook Comments