Bago mag-alas-3:00 ngayong hapon, lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Complex ang Boeing 777-300 na eroplano ng Japan sakay si Japanese Prime Minister Fumio Kishida.
Siya ay sinalubong ng mga opisyal ng pamahalaan at mga kinatawan ng Japanese embassy kung saan siya binigyan arrival honors ng honor guards ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang red carpet welcome.
Magiging tampok sa dalawang araw na official visit ni PM Kisihida sa Pilipinas ang pagpupulong nila ni Pangulong Bongbong Marcos sa Malakanyang.
Kabilang sa kanilang tatalakayin ang mutual concerns, political, security at economic and development cooperation gayundin ang people to people ties.
Magkakaroon din ng palitan ng kanilang mga pananaw ang dalawang lider sa usapin ng regional at international issues kabilang na ang pagpapatibay sa relasyon ng Pilipinas at Japan.
Kabilang sa sumalubong sa punong ministro ng Japan sina Transportation Secretary Jaime Bautista, Philippine Ambassador to Japan Mylene Garcia-Albano at si Philippine Embassador to manila Ambassador Kazuhiko Koshikawa kasama ang mga mamamahayag na hapones.