MGA SAKAY NG MV NORWEGIAN JEWEL, BUMISITA SA ISLA NG BORACAY

Malay, Aklan – Nasa 1, 600 hanggang 2, 000 na mga pasahero at crews ang dala ng MV Norwegian Jewel ng dumating ito sa isla ng Boracay ngayong araw.
Ayon sa Malay Tourism Office (MTO) n ito ang unang pagkakataon na bumisita ang nasabing cruise ship sa isla.
Bago pa man ito pumunta sa Boracay ay dumaan muna ito sa Thailand at ngayong hapon ay tutungo na rin ito sa Maynila.
Ang sakay ng nasabing cruise ship ay naglibot sa mga establisyimento at bumili ng mga lokal na produkto habang ang iba naman ay nag island hopping.
Ayon sa MTO may dalawang cruise ship pa ang bibisita sa isla ngayong buwan ng Nobyembre at sa buwan ng Disyembre ay meron ding isa na naka-schedule.
Facebook Comments