MANILA – Nakatakdang dumating mamayang hapon si Japanese Prime Minister Shinzo Abe para sa kanyang dalawang araw na state visit sa Pilipinas.Si Abe ang kauna-unahang lider ng bansa na bibisita sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni PANGULONG RODRIGO DUTERTE.Sa Biyernes ay magco-courtesy call si Abe kay Pangulong Duterte sa Malakanyang kung saan magkasama ang dalawang lider sa isang state dinner.Nakatakdang pag-usapan ng dalawa ang mga isyu tungkol sa counter terrorism cooperation, drug rehabilitation projects, infrastructure development, maritime cooperation at development projects.
Facebook Comments