Japanese Grilled sa Isang Malaking Mall sa Santiago City, Nasunog!

4944

*Cauayan City, Isabela- *Ilang minutong sumiklab ang apoy sa Gorio’s Yakiniku Japanese Grilled sa bahagi ng ikatlong palapag ng Robinson’ s Santiago City.

Masuwerteng naapula agad ang sunog na maaari sanang sumiklab sa naturang malaking mall.


Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa BFP Santiago City ay nagkaroon ng gas leak sa naturang tangke ng lutuan ng nasabing restaurant na sanhi ng sunog na masuwerteng namang naapula agad.

Bagamat maliit lamang ang pinsala ng sunog ay nagdulot pa rin ito sa pagpa panic ng mga tao na agad namang pinalabas mula sa loob ng nasabing mall.

Batay na rin sa pagtaya ng otoridad ay ano mang oras ay balik normal na ang operasyon ng nasabing mall at nililinis na lang ang kalat dahil sa pagbuga ng tubig ng mga rumespondeng bumbero.

Samantala, sa pinakahuling impormasyon na nakalap ng 98.5 iFM Cauayan ay may apat (4) na customer ang nasugatan habang sila’y kumakain na ngayon ay nasa isang pagamutan para sa kanilang paunang lunas.

Facebook Comments

From Advertisers