Jaybee Sebastian, Hindi Makakadalo Sa Pagdinig Ng Kamara

4

MANILA – Kinumpirma ni Atty. Eduardo Arriba, abogado ng high profile inmate na si Jaybee Sebastian na hindi makakapunta ngayong araw sa pagdinig ng Kamara ang kanyang kliyente.Ayon kay Atty. Arriba, under observation pa rin ang kanyang kliyente sa Medical Center Muntinlupa.Wala parin anyang ibinigay na panahon ang doktor kung hanggang kailan ito mananatili sa hospital.Si Sebastian ay kasama sa mga nasaksak sa naganap na riot sa Building 14 ng Bilibid.Sugatan din sa nasabing riot ang drug lord na si Peter Co, Vicente Sy, dating Chief Inspector Clarence Dongail at ikinamatay naman ni Tony Co.

Facebook Comments