Sinabing Myembro Ng Davao Death Squad Na Si Edgar Matobato, Isu-Surrender Na Ni Sen. Trillanes, Ngayong Araw

18

MANILA – Handa ng isuko ni Sen. Antonio Trillanes ang self-confessed member ng Davao Death Squad na si Edgar Matobato, makaraang matanggap ng kanyang opisina kagabi, ang warrant of arrest ni Matobato.Una nang naglabas ng arrest warrant ang Davao City Municipal Trial Court Branch 3, matapos hindi makaharap si Matobato sa arraignment nito para sa kasong illegal possession of firearms nitong Martes.Ayon kay Trillanes, walang intensyon si Matobato na hindi siputin ang arraignment… dahil hindi alam ni matobato ang tungkol dito.Dagdag pa ng senador, siya na mismo ang magsusuko kay Matobato kay Pnp Chief Ronald Dela Rosa sa Camp Crame, mamayang alas dyes ng umaga.Si Matobato ay kasalukuyang nasa kustodiya pa rin ni Trillanes para mabantayan ang seguridad nito.

Facebook Comments