Dating PBA at Ginebra legend Jayjay Helterbrand maglalaro sa MPBL

104
Image via PBA Media Bureau

Kumpirmadong maglalaro sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ang dating PBA at Ginebra star player na si Jayjay Helterbrand.

Inanunsyo ng Imus Bandera-Khaleb Shawarma/GLC team na magiging miyembro ng kanilang koponan si Helterbrand.


Ayon kay team manager Lou Abad, malakas pa ang pangangatawan nito upang makapaglaro sa nasabing liga.

“As you can see, he is still well-conditioned given that he has not stopped in playing regularly sa iba’t-ibang mga liga. He can still keep up with the young guys,” ani Abad.

Masaya ang Imus Bandera sa tuluyang pagpirma ni Helterbrand para mapabilang sa koponan.

Dagdag pa niya, “his overall experience, basketball IQ, and leadership would definitely provide a huge boost for our bid in the upcoming season,”

Kasama din ni Helterbrand si Gerald Anderson sa grupo kaya marami ang nag-aabang at excited mapanood ang dalawa sa hard court.

“We’re thrilled to have Jayjay Helterbrand and Gerald Anderson play side-by-side with each other. Their additions, along with the other players that we have, will surely bolster our squad,” pahayag pa ni Abad.

Kinilala si Helterbrand bilang isa sa 40 Greatest Players ng PBA History.

Haharapin ng Imus Bandera team ang Caloocan Supremos sa darating na Huwebes, Hunyo 13. Gaganapin ang laban sa Caloocan Sports Complex.

Facebook Comments

From Advertisers