2 anyos sa India, pinatay dahil umano sa utang ng lolo

113

Pinatay ang dalawang taong gulang na bata sa India dahil umano sa hindi bayad na loan na nagkakahalagang $144.

Ayon sa pulisya, nagpadala sila ng daan-daang pulis sa lugar kung saan na-murder ang bata at tinanggalan din ng internet sa Tappal.


Nawala ang bata noong Mayo 31 at nakita at natagpuan ang bangkay sa isang tambakan sa Aligarh district sa Uttar Pradesh state. Kinuha ang mata ng bata at pati ang braso at mga paa ay putol.

Dagdag pa ng pulisya, hindi naman naiulat na ginhasa ang bata dahil pinoprohibita ng India ang sexual violence sa kanilang bansa.

Nag-trending ang pangalan ng bata sa Twitter habang nag-protesta naman ang mga right-wing Hindu upang gumawa ng aksyon ang awtoridad at mabigyan ng hustisya ang nangyaring brutal na pagpatay sa bata.

Ang Tappal ay lugar kung saan ay umano’y kabilang sa minority ng Hindu community.

Facebook Comments

From Advertisers