Jaywalking, posibleng isama sa mga violation na ire-rekord sa NBI

Plano na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isama na sa record ng National Bureau of Investigation (NBI) ang violation na jaywalking.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, bahagi ito ng kanilang pinaigting na kampanya laban sa mga nahuhuling jaywalker.

Base sa kanilang datos, 54 percent ng mga nangyayaring aksidente sa kalsada sa Metro Manila ay sanhi ng maling pagtawid.


Aminado din si Pialago na hindi sapat ang multang 500 pesos o community service na parusa para sa mga jaywalker.

Sa oras na maisama ang jaywalking sa NBI records, magkakaroon ito ng epekto partikular sa paghahanap ng trabaho ng mga violator.

Facebook Comments