JBC, bukas na sa pagtanggap ng aplikasyon sa binakanteng pwesto ni CJ De Castro

Manila, Philippines – Binuksan na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang aplikasyon para sa posisyon ng associate justice sa Korte Suprema kasunod ng pagkakahirang kay Chief Justice Teresita De Castro.

Itinakda ang deadline sa pagsusumite ng aplikasyon hanggang October 1, 2018, ganap na alas-4:30 ng hapon.

Mahigpit ang abiso ng JBC na dapat kumpleto ang mga documentary requirements ng lahat ng mga aplikante.


Nakatakda ring buksan ng JBC sa mga susunod na araw ang aplikasyon para sa isa pang bakanteng pwesto sa Korte Suprema bunsod naman ng pagkakahirang kay dating Associate Justice Samuel Martires bilang Ombudsman.

Samantala, nakasuot ngayong araw ng kulay asul ang mga empleyado ng Supreme kung saan inilunsad nila ang “Blue Monday” sa flag ceremony bilang pag-welcome kay De Castro

Facebook Comments