Manila, Philippines – Inilabas na ng Judicial & Bar Council ang shortlist na pagpipilian ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mababakanteng posisyon sa Korte Suprema.
Ito ay kasunod na rin ng nakatakdang pagreretiro ni SC Associate Justice Jose Catral Mendoza sa August 13, 2017.
Kabilang sa shortlist sina:
CA Associate Justice Japar Dimaampao at Sandiganbayan Associate Justice Alexander Gesmundo na kapwa may tig-7 boto.
6 na boto naman ang nakuha ni CA Associate Justice Jose Reyes.
Habang tig-limang boto naman ang nakuha nina:
CA Associate Justices Apolinario Bruselas Jr., Ramon Paul Hernando at CA Presiding Justice Andres Reyes.
4 na boto naman ang nakuha nina, CA Associate Justices Rosmari Carandang at Amy Lazaro-Javier.
Mayroong 90 araw si Pangulong Duterte para pumili sa isusumiteng shortlist ng JBC.