Jeep na napapadaan sa Pasig Rotonda,  hinaharang at binabantaan ng ilang nagkikilos protesta

Nakaabang ang ilang mga nagkikilos protesta dito sa Pasig Rotonda para pagbawal ang mga jeepney driver na pumasada.

 

Sa kada daan ng mga jeep na naghahatid ng pasahero , sinasabihan sila na mamatay ang mga ito.

 

 

Ayon sa driver na hindi nagpabanggit ng pangalan, nakiusap sila sa mga pasahero na walang bababa sa Pasig Rotonda dahil sa banta ng mga nagkikilos protesta.


 

Payag naman ang mga pasahero bastat makasakay lang kahit pa mejo mapapalayo ang babaan.

 

Ipinarating na ito ng DZXL 558 sa LTO at agad umaksyon si  Dr. Rod Cristian Repollosa  na nagpadala na doon ng mga taohan.

 

Samantala nang dahil sa kilos protesta apektado na ang byahe na Shaw Blvd to Pasig palengke kung saan mahaba na ang pila sa terminal.

Facebook Comments