Manila, Philippines – Nagbabala ang grupong piston na posibleng tumaas ang pamasahe sa mga pampasaherong jeepney.
Ito’y kapag itinuloy ang plano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na i-phase out ang mga lumang jeep.
Nabatid na balak palitan ng gobyerno ang mga lumang jeep ng electric, solar at euro4 jeepneys.
Ayon kay Piston Secretary-General George San Mateo – ang mga lumang jeep ay naging bahagi na ng kultura ng mga pilipino.
Iginiit pa ni San Mateo – napakamahal ang magmentena ng mga modernong jeep.
Sa ngayon, pinaghahawakan nila ang pangako ni transportation secretary Arthur Tugade na hindi biglaan ang pagtanggal sa mga lumang jeep at tutulungan ng gobyerno ang mga maapektuhang tsuper na bumili ng bago.
DZXL558