Jeepney modernization, patuloy na isusulong ng LTFRB sa gitna ng COVID-19 crisis

Patuloy pa ring isusulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Ayon kay LTFRB Chairperson Martin Delgra III, magpapatuloy pa rin ang programa kahit sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Aniya, matagal nang inilunsad ito kaya hindi na ito maaaring mahinto.


Iginiit ni Delgra na hindi dapat ituring na pahirap ang programa.

Nagbabala siya na kapag naantala ang pagpapatupad ng modernization program ay magdudulot pa ito ng mas maraming problema sa bahagi ng mga jeepney driver at operators.

Nais ding baguhin ng programa ang ‘boundary system’ sa mga jeep.

Pagtitiyak ng LTFRB na maaari nang bumiyahe ang mga tradisyunal na jeep sa Huwebes o sa Biyernes.

Facebook Comments