JEEPNEY PHASEOUT | LTFRB, handang makipagdayalogo sa grupong Piston

Manila, Philippines – Handang makipag-usap ang pamunuan ng LTFRB sa grupong Piston na planong magsagawa ng welga sa harapan ng mga tanggapan ng ahensiya sa iba’t-ibang bansa.

Ayon kay LTFRB Spokesperson at Board member Atty. Aileen Lizada bukas umano ang kanilang tanggapan upang makipagdayalogo sa mga opisyal ng Piston upang maresolba ang kanilang ipinaglalaban hinggil sa jeepney phase out.

Paliwanag ni Lizada dapat ang gawin ni Piston National President George San Mateo ay makipag-usap sa kanila ng masinsinan at gumawa ng tama at huwag idaan sa mga banta ng malwakang tigil pasada dahil ang magsasakripisyo lamang nito ay ang riding public.


Giit ni Lizada kung seryoso si San Mateo na naglilingkod sila sa publiko dapat isaalang-alang nito ang kapakanan ng mga pasahero na masasakripisyo kapag itinulog ang malawakang tigil pasada sa Enero 24.

Facebook Comments