Jennifer Lopez, tinanghal na Social Artist of the Year sa ginanap na Billboard Latin Music Awards

Muling kinuha ng Latina singer na si Jennifer Lopez o J-LO ang atensyon ng mga tao dahil sa suot nito sa billboard latin music awards Sa Miami, Florida.
Halos sinulid na lang kasi ang nagtatakip sa maseselang bahagi ng katawan ni J-LO.
Maraming fans nito ang natuwa dahil sa kabila ng kanyang edad (47 years old) ay nagagawa pa rin nitong um-awra na tulad ng mga kabataan.
Pero marami rin naman ang nadismaya dahil dapat daw ay baguhin na ni J-LO ang kanyang pananamit lalo na’t nagkaka-edad na siya.
Si J-LO ay tumanggap ng social artist of the year awardsa isinagawang seremonya.
(Photo: Jason Koerner,Getty Images for Billboard)

Facebook Comments