National Capital Region, nangunguna pa rin sa Palarong Pambansa na magtatapos na ngayong araw

Manila, Philippines – Nangunguna pa rin ang National Capital Region sa palarong pambansa 2017 na magtatapos na rin ngayong araw sa Antique.
Sa kabuuan, 93 gold medals na ang nakuha ng NCR habang pumapangalawa naman ang region 4-A o CALABARZON.
Kaninang alas-4 ng hapon ay ginanap ang closing ceremony ng 60th Palarong Pambansa sa Binirayan Sports Complex kung saan isa sa mga panauhing pandangal ang Ilonggo Senator na si Minority Leader Franklin Drilon.
Samantala, ilan sa mga delegasyon ay nauna nang umuwi at hindi na hinintay ang pormal na closing ceremony.

Facebook Comments