Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ibinahagi ang gender kanilang baby

92

It’s a girl!!!

Ito ang ibinahaging gender ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ng kanilang baby.

Sa latest video sa YouTube channel ni Jennylyn, sinabi ni Dennis na noon pa lang ay gusto na nila na magkaroon na ng baby girl dahil mayroon na silang two boys.


Dagdag naman ni Jen, mahilig daw sila ni Dennis na hiramin ang mga baby girl ng kanilang showbiz friends na sina Empress Schuck at Sheena Halili.

Inihayag din nina Jennylyn at Dennis na baby girl ang gusto nilang maging anak nang pinaplano nila ang surrogacy.

Facebook Comments