Publiko, pinag-iingat sa online banking fraud

61

Pinag-iingat ng Bankers Association of the Philippines (BAP) ang publiko sa paggamit ng online banking para sa kanilang mga transaksiyon sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay BAP President Jose Veloso, hindi nagpapahuli ang mga kawatan sa pag-iisip ng paraan kung paano makapagpanakaw ng pera ng isang tao.

Kadalasang kinukuha aniya ng mga kawatan ang personal na impormasyon ng biktima kagaya ng pangalan, birthday at password.


Dahil dito, nagpaalala si Veloso na panatilihing ligtas at confidential ang kanilang mga impormasyon at tumawag sa bangko kung mayroon silang tinatanong sa kanilang personal information.

Facebook Comments