Jeric Raval, hindi suportado ang pagpapaseksi ng anak na si AJ Raval; kung bakit, alamin!

187

Hindi susuportahan ng former action star na si Jeric Raval ang pagpapaseksi sa pelikula ng kanyang anak na si AJ Raval.

Si AJ ay kabilang sa cast ng sexy comedy movie na “Paglaki ko, Gusto kong maging Pornstar.”


Bilang ama aniya, walang may gusto na ‘yung anak niya ay nagpapakita ng balat at nagpapa-sexy dahil alam niya kung ano ang tumatakbo sa isip ng mga lalakeng manyak.

Ayaw rin niyang dumating sa punto na baka mabastos ang kaniyang anak at siya pa ang masisi.

Samantala, kahit tutol sa landas na pinili ng kaniyang anak, proud naman aniya si Jeric dahil maganda ang pasok ni AJ sa showbiz at mainit ang pagtanggap ng publiko sa kaniya.

Facebook Comments