Naglabas ng saloobin ang aktor na si Jericho Rosales dahil sa patuloy na paglala ng trapiko sa Metro Manila.
Sa isang mahabang post sa facebook, inihayag ni Echo na dahil sa problema sa traffic ay nagbabago na rin ang ugali ng mga tao.
Uso na raw ang,”Bwakawan at garapalan na sa kalsada.Sigawan na umaabot pa sa umangan at ambaan. Minsan sa malungkot pa na katapusan.”
Ayon pa sa aktor, dahil mas madali nang makabili ng kotse at motor, nauuna pa raw ang porma at status symbol bago ang karunungan at kaalaman.
Dagdag pa ng 38 year old actor, na matindi na rin ang polusyon sa hangin kaya mas mabuting tumira na lamang sa probinsiya.
Sa huli, sinabi ni Echo na dapat nang mag-isip nang tama ang mga tao sa sitwasyon ngayon sa bansa.
Facebook Comments