UMUULAN ng papuri sa mga netizens ang aktor na si Jerome Ponce matapos bayaran ang hospitalization costs ng isang Grab driver na humigit kumulang 300,000 thousand pesos.
Ayon sa Twitter post ng nagngangalang angelbanqs, naikuwento sa kanya ng driver na dati niyang amo si Jerome. Tinulungan siya ng iba pang mga celebrities na sina Joshua Garcia, Janella Salvador, at Loisa Andalio.
Sumakay kami ng grab then suddenly nag kwento na yung driver sa buhay niya. Then he said “Amo ko si Jerome Ponce, nong na ospital ako tumulong siya sakin nag bigay siya ng” 300,000″ nag bigay din si janella, loisa at joshua”
— Angel (@angelbanqs) May 5, 2019
Natuwa naman ang mga netizens sa act of kindness ng mga nasabing artista. Pahayag ng ilang commentators, hindi daw maitatanggi na meron silang bukal na puso at kaya tuloy tuloy ang swerte dahil sa magandang ugali kanilang pinapakita.
Nakilala si Jerome Ponce sa palabas na “Be Careful with my Heart” at isa sa mga bida ng primetime soap na “The Good Son.” Nanalo din siya ng awards sa 62nd Famas Awards noong 2014.