Jersey no. 20 ni Manu Ginobili, pormal nang iniretiro ng San Antonio Spurs

Pormal nang iniretiro ng San Antonio Spurs ang jersey ni future Hall of Fame guard Manu Ginobili.

 

Isinagawa ang emosyonal na jersey retirement ceremony matapos ang 116-110 win ng Spurs kontra Cleveland Cavaliers.

 

Kabilang sa mga dumalo ay ang mga kasama ni Ginobili sa tinaguriang big three ng spurs na sina Tim Duncan at Tony Parker, gayundin ang former Spurs at Argentina teammate na si Fabricio Oberto at Spurs coach Gregg Popovich.


 

Sa isang speech, pinasalamatan ni Coach Popovich ang naiambag ni Ginobili at sinabing walang championship ang spurs kung hindi dahil sa kanya.

 

Para naman kay Parker , inspirasyon niya sa paglalaro si Ginobili.

 

Si Ginobili ang ika-siyam na Spurs player na iniretiro ang numero.

 

Iginugol ni Ginobili ang kanyang buong 16-year career sa San Antonio kung saan niya nakuha ang kanyang apat na nba championships.

 

Siya rin ang all-time leader ng Spurs pagdating sa nagawang 3-pointers at steals.

 

 

Facebook Comments