Showbiz – Game na game sa pagsagot sa kanyang mga basher ang aktres na si Jessy Mendiola.
Kasunod ito ng komento ng isang netizen sa instagram post ni Jessy tungkol araw-araw niyang paglaban sa mga insecurities niya sa buhay.
May kasama pa itong quote card na nagsasabing: “Don’t hate your legs. It will take you places.”
Sabi ng instagram user na may handle name na @miraroque, panay daw ang sabi ni jessy na “embrace your body and be confident” tapos bigla siyang magpo-post ng ganon?
Sagot ni Jessy: “may panahon na feeling superwoman ka, may panahon na feeling down ka. Ano ka perfect?”
Aniya, gusto lang naman niyang i-share ang kanyang saloobin tungkol sa pagyakap at pagtanggap sa mga sarili nating kapintasan.
Hindi rin naman nakaligtas ang netizen sa banat ng ina ni Jessy.