Jessy Mendiola, humingi ng sorry sa mga nasungitan niya

65

Inamin ng sexy actress na si Jessy Mendiola na talagang masama ang kaniyang ugali noon at kung minsa’y nasusungitan niya ang mga taong nasa paligid niya.

Kasunod nito, humingi siya ng sorry sa lahat ng kaniyang nasungitan.


Paliwanag ng aktres, hindi siya masaya sa buhay niya dati kaya’t nadadala niya ito sa trabaho.

Sa ngayon, tiniyak ni Jessy na nagbago na siya at natuto na siyang maging mapagkumbaba.

“I hope I come off humble sa ibang tao. Tulad nang sinabi ko kanina, masungit talaga ako noon, mataray talaga ako noon. Sana sa aura ko ngayon, sana how I treat my co-workers and other people outside of my circle sana nga I come off as a humble person.” ani Jessy.

Dagdag pa nito, na ang kaniyang boyfriend na si Luis Manzano ang nagturo sa kaniyang mas maging mabait at mapagbigay sa ibang tao.




Facebook Comments