Naglaban-laban ang local food and cooking enthusiasts sa Cotabato City upang maitanghal na “best cook” sa Culinary competition na ginanap noong Sabado sa People’s Palace.
Ang Culinary Cup ay regular na aktibidad sa tuwing sumasapit ang Shariff Kabunsuan Festival, bukas ito sa amateur cooks na may pagnanais na i- showcase ang kanilang abilidad sa pagluluto at maglikha ng masarap na mga lutuin.
Ang hamon sa contestants ay magluto ng putahe na kaya nilang ihanda sa loob ng maikling oras gamit lamang ang mga sangkap na nasa kanilang pantry
Sa huli, 3 pares ang napiling top winners.
Ngayong taon, ang naguwi ng 1st prize ay si Elizabeth Uka, Junior High School Teacher at Rashmin Dalig, Senior High student.
Pumangalawa sina Rommel Avillar at Rohaima Ibrahim parehong estudyante ng STI College of Cotabato.
At pumangatlo naman sina Joshua Paran at Jerson Abelarde mula sa CCNHS-Main Campus.
JHS Teacher at SHS, itinanghal na “best cook” sa SK fest culinary cup!
Facebook Comments