Manila, Philippines – Tutulong na rin ang JapanInternational Cooperation Agency (JICA) sa mga drug rehabilitation effortsng Department of Health.
Lumagda ang JICA at ang DOH ng P826 million program para sa pagtatatag ng mga pasilidadsa rehabilitation at sa mgatreatment protocols ng drug dependents.
Tatawagin ang programa na “Consolidated Rehabilitation onIllegal Drug Users (CARE) na tutuon sa mga priyoridad ng gobyerno laban sa illegal drugs.
Sa ilalim ng CARE, magkakaroon ng pagkakataon ang mga drug dependents na mabawasan angpanganib ng drug relapse at makatawid sarecovery stage.
Batay sa datos, 53 percent ng mga drug dependents ay walang hanapbuhayhabang mayroong 44 DOH-accredited treatment at rehabilitation centers sa buongbansa.
JICA,tutulong na rin sa drug rehabilitation ng gobyerno ayon sa DOH
Facebook Comments