Jimmy Bondoc humingi ng paumanhin kay Angel Locsin

Screenshot via Mocha PH Official Youtube page

Humingi ng tawad at pang-unawa si Jimmy Bondoc kay Angel Locsin dahil sa mga salitang binitiwan kaugnay ng nalalapit na pagsasara di umano’y ng isang giant network.

Naging matindi ang palitan ng salita sa pagitan nina Bondoc at Locsin nitong nakaraang linggo tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN. Ang prangkisa ay mag-eexpire sa susunod na taon.

Ibinahagi ni Mocha Uson, dating PCOO Assistant Secretary at lider ng Mocha Girls, ang kanyang panayam kay Bondoc nitong Linggo.


Ayon sa Bise Presidente ng PAGCOR Corporate Social Responsibility Group, mas mainam na personal maririnig ang kanilang saloobin.

“Una sa lahat, buong-buo po ang respeto ko sa inyo bilang babae, bilang kapwa entertainer. Ayoko kasi ng diskusyon na hindi harapan. Diyan po nagmumula ang maraming problema ng bayan natin. Hindi nakukuha ang buong side ni Ma’am Angel, at malamang hindi rin nakukuha ‘yung buong side ko,” pahayag ng mang-aawit.

Wala din siyang intensyon na manakit ng damdamin.

“Kung ano po man ‘yung personal na nasaktan sa kanya du’n sa message ko at sa mga kapwa niyang artista, paumanhin po dahil walang-wala pong ganu’ng patungkol ‘yung aking message,” dagdag pa niya.

Hangad niya ang tuluyang kapatawaran ni Locsin.

“Wag na kayong magalit sakin ma’am, talagang kawawa ako sa mga katulad ninyo, napaka sikat ninyo, wala akong laban,” ani Bondoc.

Sa huli, inalay at inawit niya sa lead star ng ‘The General’s Daughter’ ang kantang ‘Let Me Be The One.’

Panoorin rito ang kabuuan ng interview:

 

 

 

 

Facebook Comments