Nag-concede na si dating Senador Jinggoy Estrada at pinasalamatan ang lahat ng taong sumuporta at pinaniwalaan siya.
Ginawa niyang basehan ang partial, unofficial count ng Commission on Elections (COMELEC). Kasalukuyang nasa 15th place siya at nakakuha ng 11,269,071 boto.
Sa kanyang Facebook post, pinaalalahan niya rin ang mga incoming senators na tuparin ang pinangako sa mamamayan.
“Sa lahat ng neophyte senators na nagwagi, Sens. Bong Go, Bato dela Rosa, Francis Tolentino at Imee Marcos, nawa’y tuparin ninyo ang inyong mga binitiwang pangako nung panahon ng kampanya at malaki ang aking paniniwala na magiging maayos at productive ang senado dahil subok na ang inyong kasipagan at determinasyon na manilbihan sa taong bayan.”
Pinayuhan niya din si Senadora Nancy Binay na huwag intindihin ang mga panghuhusga sa kanya.
“Kay Sen. Nancy, alam ko marami ka pang magagawa sa Senado na makakatulong sa ating mga kababayang mahihirap. Keep it up! You deserve to keep the 12th spot because you have a very big heart for the poor and you are the BETTER person among others. Congratulations my friend.”
Nakaantig na mensahe naman ang ipinarating niya sa matalik na kaibigang Senador Ramon “Bong” Revilla Jr.
“Sa aking BFF at kakosa na si Sen. Bong Revilla, bagamat matagal tayong nagkasama at ngayon lang tayo maghihiwalay, , ipagdadasal ko ang iyong tagumpay sa Senado at ipagpatuloy mo ang laban para sa katotohanan. I love you my friend!”
Ito ang kauna-unahang reaksyon ni Jinggoy sa publiko matapos matalo ang kanyang tatay na si dating Pangulo at incumbent Manila mayor Joseph Estrada at anak na si Janella Ejercito.
Narito ang kabuuan ng kanyang post: