JK Labajo, nag-react sa mga nagpapakalat na patay na siya

Hindi na napigilan at nag-react na ang singer-actor na si JK Labajo kaugnay ng fake news na ikinalat ng ilang netizens na patay na raw siya.

Banat ng “Buwan” Artist, ipinagbibigay alam nito sa mga nagpapakalat ng espekulasyon na buhay at handa pa siyang makipag-rock and roll sa mga ito.

Hirit pa ni JK, matagal pa raw siyang mabubuhay dahil may misyon pa raw siya laban sa kanyang evil bashers.


Say nito, marami pa siyang pababagsaking mga sinungaling at walang puso.

Umani naman ng suporta ang post ni JK sa kanyang Instagram, kasama ang girlfriend niyang si Maureen Wroblewitz.

Facebook Comments