Marines nagbabalik Cotabato City

Nagbabalik Cotabato City ang mga elemento ng Marines . June 3, opisyal na naideploy sa syudad ang 2nd MBLT.

Nakabase ang mga ito sa RH 9 partikular sa dating Headquarters ng Special Forces Batallion.

Pinangungunahan ang 2nd Marine Batallion Landing Team ni Lt. Col. Alemudin Pola.


Bukod sa Cotabato City nasa ilalim ng 2nd MBLT ang mga LGU ng Sultan Kudarat, Sultan Mastura Northern Kabuntalan, Datu Blah Sinsuat, at anim na barangay mula Datu Odin Sinsuat

Pangunahin pa rin sa magiging prayoridad ng 2nd MBLT ay makatulong para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa komunidad ayon pa kay Lt. Col . Pola sa naging panayam ng DXMY.

Kaugnay nito, hinihikayat naman ni Col. Pola ang publiko na samahan sila sa kanilang mga adbokasiya habang bukas rin aniya ang mga ito para sa mga makapagpaabot ng tulong sa bawat komunidad , maari lamang aniyang makipag-ugnayan sa mga CP # 09274768195 at 09063421407
File PIC

Facebook Comments