DOJ, magpapatupad ng panibagong COVID testing sa mga empleyado

Tiniyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra na magpapatupad siya ng panibagong round ng COVID anti-bodies testing sa mga empleyado ng Department of Justice (DOJ).

Ito ay matapos na dalawa pang empleyado ng DOJ ang nagpositibo sa COVID-19.

Kinumpirma ni Sec. Guevarra na ang dalawang empleyado ay parehong technical staff ng Justice Dept. at naka-isolate na ito ngayon.


Naka-lockdown na rin aniya ang tanggapan ng nagpositibong technical staff at dalawang beses na itong na-disinfect.

Sinabi pa ng kalihim na agad ding isinailalim sa pagsusuri ang mga nakasalamuha ng dalawang technical staff.

Facebook Comments