Joannian Taxi, Nangangailangan ng Maraming Isabelinong Driver!

*Cauayan City, Isabela- *Nangangailangan ngayon ng maraming driver ang Joannian Transport Incorporated (JTI) o mas kilala sa Joannian Taxi na nakabase sa Marikina.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Ginoong Lito Villa ng Joannian Taxi sa naging eksklusibong panayam ng 98.5 RMN Cauayan sa kanya.

Kaugnay nito, magkakaroon ng interview sa lahat ng mga interesadong maging Taxi driver sa April 13, 2019 na gaganapin sa Amity Hotel, Cauayan City, Isabela.


Nilinaw ni Ginoong Villa na dapat nasa edad 20 hanggang 50 taong gulang at mayroong professional license na may code na 2 pataas.

Paliwanag pa nito mayroon anyang ibibigay na benipisyo, libreng tirahan at bigas sa kada kinsenas para sa mga makukuhang driver mula sa Isabela.

Aabot anya sa P40,000.00 hanggang P50,000.00 sa isang buwan ang maaaring kitain ng isang Taxi driver sa pamamagitan ng boundary system.

Tinitiyak din anya ng kanilang kumpanya na nasa maayos na kondisyon ang mga imamanehong sasakyan upang hindi na maabala sa kanilang pagpapasada.

Paalala naman ni Ginoong Villa sa mga interesado at dadalo sa interview na huwag kalimutang dalhin ang kinakailangang lisensya habang kukuha at pipirma na lamang anya ng biodata sa mismong venue.

Facebook Comments